Posts

Career Information Drive sa Dingle National High School, Isinagawa

Image
         Estudyante sa ika-sampu at ika-labing dalawang baitang ng Dingle National High School kasama ang mga magulang ay lumahok sa Career Information Drive na ginanap sa Monfort Hall, ngayong ika-3 ng Oktubre 2019, alas 8:00 ng umaga kung saan samu't- saring paaralan sa senior high school at kolehiyo ay nanghikayat sa mga estudyante na mag enroll kabilang na dito ang Iloilo Maritime Marine School (IMMS), West Visayas State University Pototan Campus, Iloilo State College of Fisheries (ISCOF) Dingle Campus, St. Vincent College, ABE, at STI College.                 "Maging negatibo sa sakit na hepha B, color blindness at audiometry",mga mahalagang paalala ang iniwan ni LT. Col. JP Penol PhD, Chief Operating Officer ng Iloilo Maritime Marine School upang makapasok at maging ganap na marino samantala ang West Visayas State University naman ay nagbigay ng application form sa mga estudyante, ...

Gawing Pasyon ang Propesyon

Image
Taon- taon isinasagawa ang Career Information Drive sa bawat paaralan. Maraming mga pangkolehiyong kagawaran ang nanghihikayat sa mga estudyante sa kung anong propesyon ang   nais nilang kunin. Ngunit gaano ba kaganda ang kalidad ng mga kolehiyong paaralan na kanilang inaalok? Makakatulong ba ito sa pagdedesisyon ng mga estudyante sa hinaharap?   May magsasabing libreng matrikula ang binibigay lalong-lalo na sa mga pampubliko. Nakabatay ito sa " Republic Act 10131" na isinabatas ng gobyerno upang makatulong sa mga mahihirap na hindi makapag-aral. Kung mayroong libre, may mga paaralan naman na magastos. Ika nga, ng mga pribadong paaralan kung gaano kalaki ang iyong ginastos para sa iyong pangarap ganun rin ang babalik sayo. May ibang paaralan naman na tinutuonan ng pansin ang mga estudyante upang makapagtrabaho ng mabilis at maraming oportunidad na ibinibigay. Interest, Financial Capacity and Employment", isa   sa mga mahahalagang batayan ng mga mag-aaral sa...

Anilao, Pinataob ang Dingle

Image
     Dinurog ng Anilao Patriots ang Dingle Warriors sa iskor na 13-11 sa katatapos lang na 3x3 basketball girls sa 4th Congressional District Sports Association (CDSA) Meet na ginanap sa Dingle National High School basketball court, kahapon, Oktubre 9.      Naging mainit ang laban ng dalawang koponan pero pinatunayan ng Patriots na sila pa rin ang kampeon sa buong Ika-apat na Distrito ng Iloilo.      Kagila-gilalas ang opensang ipinakita ng Warriors sa mga unang minuto ng laban pero hindi nagpasindak ang depensa ng Patriots upang makabalik sila sa laban.      Nakalamang pa ang Warriors sa huling sandali ngunit nakatira ng dalawang puntos si Kyle Notada upang magtabla sa iskor na 11-11 para magkaroon ng overtime, dahil sa matinding depensa naungusan ng Patriots ang Warriors ng dalawang puntos.      Pinangunahan nina Glydelle Mae Gultiano at Kyle Notada ang Patriots na may tagli-limang puntos habang ...

Baril

     Tuliro at napapaisip kung ano ang wastong daan para sa kaniya. Kung saan  patutungo sng buhay niya. Ang buhay niya na puno ng mapait na pinagdaan at bunga ng kamalian. Siya  ang resulta ng maling tadhana at isang ibedensiya ng masamang pagnanasa.      Naglalaro ang imahe ng mga propesyon na gusto niya sa kaniyang isip. Tila hindi niya alam kunb ano bal talaga siya. Mula sa kaniyang pagkatao hanggang kung magiging ano siya sa huli.      Hindi niya lubos ma isip na makakatungtung siya ng kolehiyo at masosout ang togang sa iababw ng ulo niya. Habang nagpalakpakan ang mga magulang sa pagtatapos ng kanilang mga anak. Siya ay mahigpit na nakahawak sa kaniyang certepiko at tumulo ang luha. Hindi dahil sa saya kundi sa kalungkutan na bumubuo sa kaniyang puso.      Taliwas pa sa kaniyang isipan ang kaniyang mga pinagdaan. Mga dahilan na nagpabago ng kaniyang nakagisnan at naging madilim ang kaniyang pagtin...

Division Schools Press Conference, Idinaos

 Humigit 3,000 kalahok kabilang ang mga tagasanay mula sa ibat-ibang distrito ang kasali para sa Division Schools Press Conference 2019 na ginanap sa Guimbal National High School, ngayong Oktubre 11-13, 2019.         Bago pa man ang nasabing kompetisyon, matibay na preparasyon na ang inihain ng mga kalahok para sa kani-kanilang naturang laban upang masungkit ang inaasam na kampeonato.         "A battle of champions" mainit na hamon ang   iniwan ni Darwin A. Haro, Principal III ng Guimbal National High School.            Ito ay isang labanan ng mga magagaling sa pamamahayag katulad na lang ng pagsulat sa editoryal, balita, lathalain, mamamahayag sa radyo at telebisyon, collaborative writing,column writing,Sci-tech writing at online publishing,   kung saan ang mga nagtutunggali ay ang mga nanalo din noong nakaraaang Congressional Schools Press Conference 2019.  ...

"Ang Tradisyunal na Gawain ng Indonesia"

Image
Ang pagsunog ng mga Indonesian na tao sa isang partikular na lugar ay isang tradisyonal na gawain para sa kanila. Ang kanilang paniniwala na kapag malawak ang nasakop ng sunog mas magiging maunlad ang kanilang ekonomiya at bansa. Pero sa hindi inaasahan hindi nabantayan ang sakop ng sunog na ginawa. Kung kaya't nag dulot ito ng Haze sa karatig bansa at partikular na sa lugar natin na Panay Island.

Ika-apat na Distrito, Kampeon sa Badminton Girls

Image
“Isang hampas para sa tagumpay” Nanaig ang Ika-apat na Distrito kontra sa Ikalawang Distrito sa Badminton Girls Finals ng Integrated Meet 2019 sa 3-2 na iskor kahapon, Oktubre 8. Pinangunahan ni Jermae Royce Dela Crurz ang Ika-apat na Distrito habang pinamunuan naman ni Chyler Mirasol ang Ikalawang Distrito. “Mas nagging handa lang sila kaysa sa amin” tugon ni Mirasol pagkatapos ng kanilang laro at bakas ang lungkot sa kaniyang mukha. Sa kabilang banda sobra ang tuwa ni Dela Cruz sa kaniyang pagkapanalo at pagkamit niya ng kampeonato. “Salamat sa mga sumuporta sa akin,para sa inyo ang aking panalo”,ani ni Dela Cruz habang umiiyak sa sobrang saya. Gayunpaman kailangan ni Dela Cruz na maghanda para sa mas malaki niyang laban sa Regional Meet 2019 sa Roxas City Capiz./Dimsue Romeo  Dimaala Isang malakas na serve ang ibinigay ni Jermae Royce Dela Cruz laban sa kanyang kalaban. Ang pagtanggap ni Chyler Mirasol sa malakas na serve...