Gawing Pasyon ang Propesyon



Taon- taon isinasagawa ang Career Information Drive sa bawat paaralan. Maraming mga pangkolehiyong kagawaran ang nanghihikayat sa mga estudyante sa kung anong propesyon ang  nais nilang kunin. Ngunit gaano ba kaganda ang kalidad ng mga kolehiyong paaralan na kanilang inaalok? Makakatulong ba ito sa pagdedesisyon ng mga estudyante sa hinaharap?

  May magsasabing libreng matrikula ang binibigay lalong-lalo na sa mga pampubliko. Nakabatay ito sa " Republic Act 10131" na isinabatas ng gobyerno upang makatulong sa mga mahihirap na hindi makapag-aral. Kung mayroong libre, may mga paaralan naman na magastos. Ika nga, ng mga pribadong paaralan kung gaano kalaki ang iyong ginastos para sa iyong pangarap ganun rin ang babalik sayo. May ibang paaralan naman na tinutuonan ng pansin ang mga estudyante upang makapagtrabaho ng mabilis at maraming oportunidad na ibinibigay.

Interest, Financial Capacity and Employment", isa  sa mga mahahalagang batayan ng mga mag-aaral sa kung anong propesyon ang kukunin at kung anong paaralan ang kanilang papasukin. May mga pagkakataon na naimpluwensiyahan tayo ng ating mga magulang sa kung ano ang dapat gawin. Kung minsan sumusunod na lang tayo sa kung anong usong propesyon o paaralang papasukin. Kailangan nating tandaan na dapat suriin din ang mga paaralang nais nating pag-aralan. Pero ang pinakamahalaga sa lahat na tayo mismo ang magdadala ng ating plano sa  buhay kung tayo ba ay makapagtapos at makahanap ng maayos na trabaho./ Skyla Angel Desierto

Comments

Popular posts from this blog

Division Schools Press Conference, Idinaos

4th Congressional District Schools Press Conference (CDSPC) ,Idinaos

Bloodletting Activity, Idadaos