4th Congressional District Sports Association (CDSA) Meet, Umaarangkada

Isang kahig para sa medalya,naglalagablab ang laban na nanagyari sa 4th CSDA Meet 2019 na ginanap sa Anilao,Iloilo kahapon Setyembre 21 na nilahokan ng mga bayan ng Dumangas, Anilao, Dingle, Banate, San Enrique, Barotac Nuevo at DueƱas.
Umaatikabong bakbakan ang naganap sa 100 meter dash secondary girls pero nanaig ang lakas ni Clarefel Segura na may oras na 14.88 na Segundo, siya ay nagmula sa Anilao, Iloilo.
Ayun Kay Bb. Segura nanalo siya ng 1 pilak at 2 tansong medalya sa nakaraang 4th CDSA Meet, tumatakbo siya para sa pangarap niyang makapasok sa Palarong Pambansa, inspirasyon niya ang kanyang mga magulang upang manalo.
Nagpamalas ng galing at bilis si Jemar Casumpang para mangibabaw sa 100 meter dash boys, siya ay nakapagtala ng 11.42 na segundo,nagmula rin siya sa Anilao, Iloilo.
Ayun kay G. Casumpang, unang pagkakataon pa lamang niya na makapasok sa Congressional level, inspirasyon niya ang kanyang mga magulang at pagdadasal ang kaniyang sandata para mangibabaw.
Ang pagkapanalo nila ang dahilan upang makapasok sila sa Integrated Meet 2019 sa darating na Oktubre 29 sa Dingle, Iloilo./ Dimsue Romeo Dimaala

Maaliwalas ang panahaon sa Anilao National High School kung saan naging saksi sa pagkapanalo ni Jemar Casumpang at Clarefel Segura sa 100 meter dash Secondary boys and girls.


Jemar Casumpang

Clarefel Segura

Comments

Popular posts from this blog

Division Schools Press Conference, Idinaos

4th Congressional District Schools Press Conference (CDSPC) ,Idinaos

Bloodletting Activity, Idadaos