Wheel Chair
Sa mundong ating ginagalawan. Ballpen ang sandata ng isnag
manunulat. Gamit niya ito para ipakita ang kaniyang angking talento para maka
buo ng obra maestra na gawa ng katotohanan at imahinasyon sa kaniyang isipan .
Madami pa siyang lalakbayin para makamit ang inaasam na pangarap
. Bumuo siya ng mundo na siya lang ang nakakaalam. Sinulat niya bawat deletalye
ng kaniyang buhay. Binigyan niyang buhay ang parang niyang pawang walang
saysay. Ginuhit niya ang mga paang naglalakad tungo sa pangarap nito at binigyan
ito ng kwento sa kaniyang sulat. Sinulat niya ang mga pangyayaring gusto niyang
maganap.
Unang hakbang,
hakbang sa unang niyang pagsulat. Pagpunta sa iba't ibang lugar para
maipahayag ang kaniyang talento sa pagsulat na hindi niya na gawa.
Ikalawang hakbang, ginawan niya ng buhay ang kaniyang mga paa.
Galing sa kaniyang imahinasyon, nakapunta siya sa iba't ibang bahagi ng lugar para
isulat ang mga damdamin nagliliyab at talento niyang gustong ipasilayat.
Panghuli, huling hakbang niya tungo sa inaasam na magandang
kinabukasan. Sinulat niya ang gustong gawin sa mga paang ginuhit niya. Ang maka
lakad sa mga lugar na gustong niyang paroonan. Sa isang normal na buhay ng
isang manunulat at ipakita ang kaniyang sarili na walang bahid ng kahihiyan
para sa kaniya.
Gusto niyang ipakita ang katotohanan. Pero gusto niya munang
maramdam ang imahinasyon sa kaniyang isipan. Sinulat niya lahat ng detalye ng kaniyang
pinagdaanan. Pinagkait man sa kaniya ang wastong hubog at bahagi ng katawan.
Pero patuloy niya itong mararamdaman na nandiyan, dahil sa interpretasyon ng
pagsulat sa kaniyang kalagayan.
Patuloy na hindi sinukuan ang kaniyang talento. Nakapunta sa
lupalok ng mundo sa larangan ng pagsulat. Naibahagi ang kaniyang talento. Gamit
ang wheel chair papunta sa kung saan niya gusto. Nagiging instrumento ang
pagsulat para maramdamam niya ang kaniya pagkatao. Gamit ang wheel chair na naging
kaagay niya sa paglalakad tungo sa kaniyang inaasam na pagtanggap ng mundo./ Claire Loreen Dolendo
Comments
Post a Comment