4th Congressional District Schools Press Conference (CDSPC) ,Idinaos
Humigit kumulang 1,000 estudyante ang lumahok para sa 4th Congressional District Schools Press Conference ngayong araw, Septeyeme 21, 2019, na Idinaos sa Anilao National High School na may temang "Empowering Communities Through Campus Journalism".
Bago pa man mag-umpisa ang naturang patimpalak naghahanda na ng mabuti ang bawat paaralan para sa kani-kanilang layunin.
"Pay tribute to all teachers in World Teachers Day", mainit na hamon sa kaniyang mensahe na iniwan ni Dr. Ruby Therese Almencion, Education Supervisor in English, Division of Iloilo.
Ito ang nagbigay hikayat sa mga estudyante na manalo para magbigay kontribusyon sa lahat ng paghihirap,sakripisyo at pagmamahal ng mga guro.
Ito ang nagbigay hikayat sa mga estudyante na manalo para magbigay kontribusyon sa lahat ng paghihirap,sakripisyo at pagmamahal ng mga guro.
"Ako ay kinakabahan at may halong pananabik dahil ito ang unang pagkakataon na sasali ako sa ganitong patimpalak", pahayag ni Gerald Dumalogdog, isang kalahok mula sa Dingle National High School.
Pagkatapos ng araw na ito, may matatalo pero maghahanda para sa susunod na 4th CDSPC at mayroon ding mananalo at mag-eensayo para sa darating na Division School Press Conference sa Lungsod ng Iloilo na gaganapin sa Guimbal National High School. / Skyla Angel Desierto
Comments
Post a Comment