Division Schools Press Conference, Idinaos


 Humigit 3,000 kalahok kabilang ang mga tagasanay mula sa ibat-ibang distrito ang kasali para sa Division Schools Press Conference 2019 na ginanap sa Guimbal National High School, ngayong Oktubre 11-13, 2019.
       
Bago pa man ang nasabing kompetisyon, matibay na preparasyon na ang inihain ng mga kalahok para sa kani-kanilang naturang laban upang masungkit ang inaasam na kampeonato.
     
 "A battle of champions" mainit na hamon ang  iniwan ni Darwin A. Haro, Principal III ng Guimbal National High School.
         
Ito ay isang labanan ng mga magagaling sa pamamahayag katulad na lang ng pagsulat sa editoryal, balita, lathalain, mamamahayag sa radyo at telebisyon, collaborative writing,column writing,Sci-tech writing at online publishing,  kung saan ang mga nagtutunggali ay ang mga nanalo din noong nakaraaang Congressional Schools Press Conference 2019.
       
"Welcome to the Olympics of the scribes" isang magandang pagbati din ang iniwan ni Mrs. Ruby Thererese P. Almencion, EPS II in English.
              
Tiyaga at pagpupursige ang puhunan ng mga periyodista sa larangan na ito, may matatalo pero mananatiling matatag para sa susunod na laban at sa mananalo ang magsisilbing kinatawan para sa darating na Regional Schools Press Conference./Skyla Angel Desierto


Comments

Popular posts from this blog

4th Congressional District Schools Press Conference (CDSPC) ,Idinaos

Bloodletting Activity, Idadaos