Career Information Drive sa Dingle National High School, Isinagawa


         Estudyante sa ika-sampu at ika-labing dalawang baitang ng Dingle National High School kasama ang mga magulang ay lumahok sa Career Information Drive na ginanap sa Monfort Hall, ngayong ika-3 ng Oktubre 2019, alas 8:00 ng umaga kung saan samu't- saring paaralan sa senior high school at kolehiyo ay nanghikayat sa mga estudyante na mag enroll kabilang na dito ang Iloilo Maritime Marine School (IMMS), West Visayas State University Pototan Campus, Iloilo State College of Fisheries (ISCOF) Dingle Campus, St. Vincent College, ABE, at STI College.
        
       "Maging negatibo sa sakit na hepha B, color blindness at audiometry",mga mahalagang paalala ang iniwan ni LT. Col. JP Penol PhD, Chief Operating Officer ng Iloilo Maritime Marine School upang makapasok at maging ganap na marino samantala ang West Visayas State University naman ay nagbigay ng application form sa mga estudyante, ang huling pagkapapasakop nito ay sa ika- 29 ng Septembre.
              
        "Make your passion as your profession" ayon kay Prof. Febe Jane J. Sales, Guidance Councilor Designate ng ISCOF Dingle Campus.
           
         Maraming mga propesyon and inalok na makapagpanghikayat sa mga estudyante na mag-aral, may paaralan naman sa kolehiyo na may libreng matrikula katulad na lang ng ISCOF at West Visayas State University, ito ay batay sa Republic Act 10131.
           
       "Interest, Financial Capacity, Employment", mga mahalagang salita na dapat malaman ng mga  estudyante sa pagdedesisyon, ito ay batay sa pahayag ni Ms Mariter D. Sajise, Guidance Councilor III ng West Visayas State University Pototan Campus
             
        Nagtapos ang programa sa huling kataga ni Mrs. Lally Sales, SHS coordinator, isinaad niya na dapat sa pagpili ng kurso o propesyon ay dapat pag-isipang maigi at mayroong gabay ng mga magulang./Skyla Angela Desierto
Pagbigay mensahe ni G. Eugenio Mallorca
sa mga estudyante, Oktubre 09,2019.

Pagbigay inspirasyon ni Gng. Esther Carion
sa  mag-aaral ng Dingle Nhs, Oktubre 09, 2019.

    

Comments

Popular posts from this blog

Division Schools Press Conference, Idinaos

4th Congressional District Schools Press Conference (CDSPC) ,Idinaos

Bloodletting Activity, Idadaos