Ika-apat na Distrito, Kampeon sa Badminton Girls

“Isang hampas para sa tagumpay”

Nanaig ang Ika-apat na Distrito kontra sa Ikalawang Distrito sa Badminton Girls Finals ng Integrated Meet 2019 sa 3-2 na iskor kahapon, Oktubre 8.

Pinangunahan ni Jermae Royce Dela Crurz ang Ika-apat na Distrito habang pinamunuan naman ni Chyler Mirasol ang Ikalawang Distrito.

“Mas nagging handa lang sila kaysa sa amin” tugon ni Mirasol pagkatapos ng kanilang laro at bakas ang lungkot sa kaniyang mukha.

Sa kabilang banda sobra ang tuwa ni Dela Cruz sa kaniyang pagkapanalo at pagkamit niya ng kampeonato.

“Salamat sa mga sumuporta sa akin,para sa inyo ang aking panalo”,ani ni Dela Cruz habang umiiyak sa sobrang saya.

Gayunpaman kailangan ni Dela Cruz na maghanda para sa mas malaki niyang laban sa Regional Meet 2019 sa Roxas City Capiz./Dimsue Romeo  Dimaala



Isang malakas na serve ang ibinigay ni Jermae Royce Dela Cruz laban sa kanyang kalaban.

Ang pagtanggap ni Chyler Mirasol sa malakas na serve ng kalaban.


Comments

Popular posts from this blog

Division Schools Press Conference, Idinaos

4th Congressional District Schools Press Conference (CDSPC) ,Idinaos

Bloodletting Activity, Idadaos