Anilao, Pinataob ang Dingle
Dinurog ng Anilao Patriots ang Dingle Warriors sa iskor na 13-11
sa katatapos lang na 3x3 basketball girls sa 4th Congressional District Sports Association
(CDSA) Meet na ginanap sa Dingle National High School basketball court, kahapon,
Oktubre 9.
Naging mainit ang laban ng dalawang koponan pero pinatunayan ng Patriots na sila pa rin ang
kampeon sa buong Ika-apat na Distrito ng Iloilo.
Kagila-gilalas ang opensang ipinakita ng Warriors sa mga unang
minuto ng laban pero hindi nagpasindak ang depensa ng Patriots upang makabalik sila
sa laban.
Nakalamang pa ang Warriors sa huling sandali ngunit nakatira ng dalawang puntos si Kyle Notada upang magtabla sa iskor na 11-11 para magkaroon ng overtime, dahil sa matinding depensa naungusan ng Patriots ang Warriors ng dalawang puntos.

Pinangunahan nina Glydelle Mae Gultiano at Kyle Notada ang Patriots
na may tagli-limang puntos habang pinamunuan naman ni Ayesha Marie Pescador ang
Warriors na may siyam na puntos.
"Nagkulang lang kami sa depensa"
Tugon ni Dela Torre manlalaro ng Dingle Warriors pagkatapos ng
kanilang matinding sagupaan.
Sa pagkapanalo ng Patriots sila ang magrerepresenta ng Basketball Girls sa Ika-apat na Distrito sa darating Integrated Meet 2019 sa Iloilo./ Dimsue Romeo Dimaala
Sa pagkapanalo ng Patriots sila ang magrerepresenta ng Basketball Girls sa Ika-apat na Distrito sa darating Integrated Meet 2019 sa Iloilo./ Dimsue Romeo Dimaala
Matinding depensa ang ibinigay ni April Manderico (Patriots) laban sa kalaban na si Ayesha Marie Pescador (Warriors) Oktubre 09, 2019. |
Comments
Post a Comment