Tinta ng Manunulat
Pagsulat ang puhunan ng isang manunulat. Ballpen ang kaniyang sandata para maisulat at maipahayag ang mga impormasyong dulot ng realidad. May iba’t ibang kulay ng tinta ang ballpen. Bawat kulay nito ay representasyon ng kaniyang mga pinagdaan sa mga hakbang na kaniyang ginawa tungo sa kaniyang inaasam na pangarap.
Pa lakad lakad sa kalye, lutang ang isip. Hindi alam ang isusulat sa papel na kaniyang hinahawakan. Pinagmasdam niya ang paligid. Makikita ang masalimoot na pinagdadaanan ng mga batang kalye.Nakahiga,walang saplot at uhaw sa edukasyon para sa kanilang sarili. Nais niyang isulat ang imaheng ito gamit ang kaniyang ballpen na may asul na tinta para simbolo ng unang hakbang niya bilang manunulat. Gamit ang asul na tinta sinulat niya ang kaniyang mga nagbabagang damdamin para maipahayag ang katotohanan na nangyayari sa kaniyang paligid. Ito ang tintang gamit niya kung saan na diskobre ang kaniyang talento sa pagsulat. Maipahayag niya ang kaganapan sa mundo sa pamamagitan ng mga letra.
Patuloy siya sa pagdiskobre sa mundo. Sa mga makabagong sitwasyon ng mga mamamayan. Katayuan ng tao sa lipunan. Sinulat niya ang mga kamalian ng sektor ng bayan, corruption sa gobyerno, at ang realidad ng kahirapan. Gamit ang tintang pula, sinulat niya lahat ng masasamang gawain sa isang bansa. Simbolo ang kulay pula sa ikalawang hakbang niya para ipakita ang pinagdaanan at kamalian niya bilang manunulat. Pinakita niya ang dalawang dulot ng pulang tinta. Ang kaniyang pinagdaan bilang maging magaling sa larangan ng pagsulat at kaugnay nito ang nangyayari sa kaniyang bansa.
Hanggang ngayon, pursigido siyang ipahayag ang kaniyang sarili at talent sa pagsulat. Gamit niya na ang itim na tinta para sa kaniyang huling hakbang. Simbolo ng determinasyon sa sarili kaniyang sarili bilang manunulat na ipagpatuloy ang kaniyang sinimulan. Na ipakita ang mga imahinasyong bumubuo sa kaniyang isipan at nakikita niya sa realidad.Na maipahayag ito sa mundo gamit ng kaniyang mga salita . Na nagpapakita ng matapang na personalidad sa larangan ng pagsulat.
Comments
Post a Comment