Pulang Likido
Nananalantay sa kaniyang katawan ang pulang likido. Patuloy
itong dumadaloy sa kaniyang ugat patungo sa iba't ibang bahagi ng kaniyang
katawan. Ito ang nagbibigay buhay sa kaniyang pagkatao ang tumutulong para
magkaroon ng buhay ang laman laman sa kaniyang katawan. Mananatiling nandiyan ang likido kailan paman
at maaari niyang ibahagi ito sa iba para makatulong siya sa mga pagbabagong
magaganap.
Nasa punto siya ng buhay niya na kailangan ng kaniyang ama
na salinan ng dugo para sa gagawing operasyon. Kumakabog ang kaniyang dibdib habang
hinihintay ang mga empleyado ng Red Cross. Pa lakad lakad siya at pa ulit ulit pinagdadasal
na mayroong bakanteng dugo para sa kaniyang ama. Wala siyang kaalam alam sa mga
prosesong gagawin bago makakuha dugo. Nakayuko na siya sa mahabang upuan sa
labas ng opisina, naghihintay kung ano ang sasabihin tungkol sa kaniyang
hinihingi. Pinahidan niya ang mga pawis na tagaktak na sa kaniyang mukha. Pilit
pinatapatahan ang sarili sa mga mabigat at mabugsung pangyayari. Nasagip sa
isipan niya ang mga nakaraang naganap tungkol sa Blood Letting Activity sa
kanilang paaralan. Napaisip siya ano ba ito at kung ano ang ganap nito para sa
kanila.
Dumating na ang
babae hawak ang ang puting papel at may ballpen sa gilid. Kumakabog ang
kaniyang dibdib kung ano ba ito. Binasa ng babae ang nasa puting papel at
ipinaliwanag sa kaniya ang lahat. Ito daw ang records ng mga taong nagdonate ng
dugo noong nakaraang araw. Pagnakapagdonate ka ng dugo mabilisan na lg ang pag
proseso pag ika'y nangangailangan din ng dugo sa mga sunod pang nagdaang taon.
Napahilamos siya sa
kaniyang mukha. Labis ang kaniyang pagkadismaya sa kaniyang sarili, bakit hindi
niya ito ginawa.
Ang punto ng mga
taong nagbibigay ng dugo o Blood Donors ay para matulungan yung mga
nangangailangan na masagip ang buhay at
para din sa kanilang sarili para maging maganda ang kanilang kalusugan.
Halos tatlong
oras siyang nag hintay ng dugo para sa kaniyang ama. Nang dumating ang oras na
hawak kamay na niya ang kaniyang hinihingi.Dali dali siya umalis at pumunta sa
hospital na kinalalagyan ng kaniyang ama. Tumulo ang luha sa kaniyang mga mata
dahil masaya siya na mabibigay na niya sa akniyang ama ang kailangan niya.
Laking gulat
niya na pagkarating nito sa silid kung saan ang kaniyang ama. Ito ay natatabunan
na ng puting tela. Ang nanay,kapatid at kapamilya ay nagiiyakan na. Naghihinagpis
siya sa kaniyang nasilayan. Labis ang sakit sa kaniyang kalooban ang puso.
Kung maaga lang
sana siyang nakabalik at nakakuha ng dugo na buhay pa ito. Halos gusto niyang
itapon ang dugo ng bag na kaniyang hinahawakan. Pero pumapaibabaw sa kaniyang
damdamin na sisihin ang kaniyang sarili sa pagkawala ng kaniyang ama. Kung sana
naka donate siya ng dugo at kung maibabalik niya ang oras maaaring mabilis siyang
nakakuha na ng dugo na kailangan isalin sa kaniyang ama at nabuhay pa ito ng
pangmatagalan sa piling nila./Claire Loreen Dolendo
Comments
Post a Comment