Posts

Showing posts from 2019

Career Information Drive sa Dingle National High School, Isinagawa

Image
         Estudyante sa ika-sampu at ika-labing dalawang baitang ng Dingle National High School kasama ang mga magulang ay lumahok sa Career Information Drive na ginanap sa Monfort Hall, ngayong ika-3 ng Oktubre 2019, alas 8:00 ng umaga kung saan samu't- saring paaralan sa senior high school at kolehiyo ay nanghikayat sa mga estudyante na mag enroll kabilang na dito ang Iloilo Maritime Marine School (IMMS), West Visayas State University Pototan Campus, Iloilo State College of Fisheries (ISCOF) Dingle Campus, St. Vincent College, ABE, at STI College.                 "Maging negatibo sa sakit na hepha B, color blindness at audiometry",mga mahalagang paalala ang iniwan ni LT. Col. JP Penol PhD, Chief Operating Officer ng Iloilo Maritime Marine School upang makapasok at maging ganap na marino samantala ang West Visayas State University naman ay nagbigay ng application form sa mga estudyante, ...

Gawing Pasyon ang Propesyon

Image
Taon- taon isinasagawa ang Career Information Drive sa bawat paaralan. Maraming mga pangkolehiyong kagawaran ang nanghihikayat sa mga estudyante sa kung anong propesyon ang   nais nilang kunin. Ngunit gaano ba kaganda ang kalidad ng mga kolehiyong paaralan na kanilang inaalok? Makakatulong ba ito sa pagdedesisyon ng mga estudyante sa hinaharap?   May magsasabing libreng matrikula ang binibigay lalong-lalo na sa mga pampubliko. Nakabatay ito sa " Republic Act 10131" na isinabatas ng gobyerno upang makatulong sa mga mahihirap na hindi makapag-aral. Kung mayroong libre, may mga paaralan naman na magastos. Ika nga, ng mga pribadong paaralan kung gaano kalaki ang iyong ginastos para sa iyong pangarap ganun rin ang babalik sayo. May ibang paaralan naman na tinutuonan ng pansin ang mga estudyante upang makapagtrabaho ng mabilis at maraming oportunidad na ibinibigay. Interest, Financial Capacity and Employment", isa   sa mga mahahalagang batayan ng mga mag-aaral sa...

Anilao, Pinataob ang Dingle

Image
     Dinurog ng Anilao Patriots ang Dingle Warriors sa iskor na 13-11 sa katatapos lang na 3x3 basketball girls sa 4th Congressional District Sports Association (CDSA) Meet na ginanap sa Dingle National High School basketball court, kahapon, Oktubre 9.      Naging mainit ang laban ng dalawang koponan pero pinatunayan ng Patriots na sila pa rin ang kampeon sa buong Ika-apat na Distrito ng Iloilo.      Kagila-gilalas ang opensang ipinakita ng Warriors sa mga unang minuto ng laban pero hindi nagpasindak ang depensa ng Patriots upang makabalik sila sa laban.      Nakalamang pa ang Warriors sa huling sandali ngunit nakatira ng dalawang puntos si Kyle Notada upang magtabla sa iskor na 11-11 para magkaroon ng overtime, dahil sa matinding depensa naungusan ng Patriots ang Warriors ng dalawang puntos.      Pinangunahan nina Glydelle Mae Gultiano at Kyle Notada ang Patriots na may tagli-limang puntos habang ...

Baril

     Tuliro at napapaisip kung ano ang wastong daan para sa kaniya. Kung saan  patutungo sng buhay niya. Ang buhay niya na puno ng mapait na pinagdaan at bunga ng kamalian. Siya  ang resulta ng maling tadhana at isang ibedensiya ng masamang pagnanasa.      Naglalaro ang imahe ng mga propesyon na gusto niya sa kaniyang isip. Tila hindi niya alam kunb ano bal talaga siya. Mula sa kaniyang pagkatao hanggang kung magiging ano siya sa huli.      Hindi niya lubos ma isip na makakatungtung siya ng kolehiyo at masosout ang togang sa iababw ng ulo niya. Habang nagpalakpakan ang mga magulang sa pagtatapos ng kanilang mga anak. Siya ay mahigpit na nakahawak sa kaniyang certepiko at tumulo ang luha. Hindi dahil sa saya kundi sa kalungkutan na bumubuo sa kaniyang puso.      Taliwas pa sa kaniyang isipan ang kaniyang mga pinagdaan. Mga dahilan na nagpabago ng kaniyang nakagisnan at naging madilim ang kaniyang pagtin...

Division Schools Press Conference, Idinaos

 Humigit 3,000 kalahok kabilang ang mga tagasanay mula sa ibat-ibang distrito ang kasali para sa Division Schools Press Conference 2019 na ginanap sa Guimbal National High School, ngayong Oktubre 11-13, 2019.         Bago pa man ang nasabing kompetisyon, matibay na preparasyon na ang inihain ng mga kalahok para sa kani-kanilang naturang laban upang masungkit ang inaasam na kampeonato.         "A battle of champions" mainit na hamon ang   iniwan ni Darwin A. Haro, Principal III ng Guimbal National High School.            Ito ay isang labanan ng mga magagaling sa pamamahayag katulad na lang ng pagsulat sa editoryal, balita, lathalain, mamamahayag sa radyo at telebisyon, collaborative writing,column writing,Sci-tech writing at online publishing,   kung saan ang mga nagtutunggali ay ang mga nanalo din noong nakaraaang Congressional Schools Press Conference 2019.  ...

"Ang Tradisyunal na Gawain ng Indonesia"

Image
Ang pagsunog ng mga Indonesian na tao sa isang partikular na lugar ay isang tradisyonal na gawain para sa kanila. Ang kanilang paniniwala na kapag malawak ang nasakop ng sunog mas magiging maunlad ang kanilang ekonomiya at bansa. Pero sa hindi inaasahan hindi nabantayan ang sakop ng sunog na ginawa. Kung kaya't nag dulot ito ng Haze sa karatig bansa at partikular na sa lugar natin na Panay Island.

Ika-apat na Distrito, Kampeon sa Badminton Girls

Image
“Isang hampas para sa tagumpay” Nanaig ang Ika-apat na Distrito kontra sa Ikalawang Distrito sa Badminton Girls Finals ng Integrated Meet 2019 sa 3-2 na iskor kahapon, Oktubre 8. Pinangunahan ni Jermae Royce Dela Crurz ang Ika-apat na Distrito habang pinamunuan naman ni Chyler Mirasol ang Ikalawang Distrito. “Mas nagging handa lang sila kaysa sa amin” tugon ni Mirasol pagkatapos ng kanilang laro at bakas ang lungkot sa kaniyang mukha. Sa kabilang banda sobra ang tuwa ni Dela Cruz sa kaniyang pagkapanalo at pagkamit niya ng kampeonato. “Salamat sa mga sumuporta sa akin,para sa inyo ang aking panalo”,ani ni Dela Cruz habang umiiyak sa sobrang saya. Gayunpaman kailangan ni Dela Cruz na maghanda para sa mas malaki niyang laban sa Regional Meet 2019 sa Roxas City Capiz./Dimsue Romeo  Dimaala Isang malakas na serve ang ibinigay ni Jermae Royce Dela Cruz laban sa kanyang kalaban. Ang pagtanggap ni Chyler Mirasol sa malakas na serve...

Wheel Chair

Sa mundong ating ginagalawan. Ballpen ang sandata ng isnag manunulat. Gamit niya ito para ipakita ang kaniyang angking talento para maka buo ng obra maestra na gawa ng katotohanan at imahinasyon sa kaniyang isipan . Madami pa siyang lalakbayin para makamit ang inaasam na pangarap . Bumuo siya ng mundo na siya lang ang nakakaalam. Sinulat niya bawat deletalye ng kaniyang buhay. Binigyan niyang buhay ang parang niyang pawang walang saysay. Ginuhit niya ang mga paang naglalakad tungo sa pangarap nito at binigyan ito ng kwento sa kaniyang sulat. Sinulat niya ang mga pangyayaring gusto niyang maganap. Unang hakbang,   hakbang sa unang niyang pagsulat. Pagpunta sa iba't ibang lugar para maipahayag ang kaniyang talento sa pagsulat na hindi niya na gawa. Ikalawang hakbang, ginawan niya ng buhay ang kaniyang mga paa. Galing sa kaniyang imahinasyon, nakapunta siya sa iba't ibang bahagi ng lugar para isulat ang mga damdamin nagliliyab at talento niyang gustong ipasilayat. ...

Bloodletting Activity, Idadaos

Image
" Indi bali ikaw ang maghatag, indi lang ikaw ang hatagan” sabi ni G. Eugenio L. Mallorca sa oryentasyon para sa darating na “Dugo mo Kasugpon sang Kabuhi Ko” Bloodletting Activity sa Dingle National High School Monfort Hall, Oktobre 7.                 Samantala, ang naturang na aktibidad ay pinangunahan ng Dingle National High School Alumni Association at sa tulong na rin ng Philippine Red Cross.                 “Continue the legacy in helping fellow Dingleanons” ani Dr. Valentine L. Dabuco, lisensyadong physician sa United Kingdom at pangunahing pangdangal sa programa.                 Habang nagpapatuloy ang programa tinalakay ni Dr. Dabuco ang mga benipisyo ng paghahandog ng dugo.           ...

"Dugo mo Kasugpon sang Kabuhi Ko"

Image
“Indi bali ikaw ang maghatag, indi lang ikaw ang hatagan” - G. Eugenio L. Mallorca

4th District Table Tennis, Nanaig

Image
GUIMBAL, ILOILO- Nagumpisa ang Semifinal round ng Table Tennis Boys and Girls sa Integrated Meet 2019 sa Guimbal, Iloilo, Oktubre 7. Nanaig ang galing ng 4th District na sina Kenneth Jay Galeno at Dannah Wyne Lobaton laban sa 3rd District na sina David Gloria at Rozbie Danitaras. "Hindi man namin makamit ang panalo babawi kami sa susunod na laban"ani nina Gloria at Danitaras. Gamit ang kanilang inspirasyon, pagpupursigi at lakas nanaig sina Galeno at Lobaton sa iskor na 2-1 sa kani-kanilang kalaban. "Salamat sa magandang laban"sabi nina Lobaton at Galeno pagkatapos ng kanilang mga laban Pagkatapos ng kanilang mainit na labanan, papasok ang 4th District sa Finals kontra sa 1st District sa Oktubre 9. Kenneth Jay Galeno Dannah Wyne Lobaton

Pulang Likido

Nananalantay sa kaniyang katawan ang pulang likido. Patuloy itong dumadaloy sa kaniyang ugat patungo sa iba't ibang bahagi ng kaniyang katawan. Ito ang nagbibigay buhay sa kaniyang pagkatao ang tumutulong para magkaroon ng  buhay ang  laman laman sa kaniyang katawan.  Mananatiling nandiyan ang likido kailan paman at maaari niyang ibahagi ito sa iba para makatulong siya sa mga pagbabagong magaganap. Nasa punto siya ng buhay niya na kailangan ng kaniyang ama na salinan ng dugo para sa gagawing operasyon. Kumakabog ang kaniyang dibdib habang hinihintay ang mga empleyado ng Red Cross. Pa lakad lakad siya at pa ulit ulit pinagdadasal na mayroong bakanteng dugo para sa kaniyang ama. Wala siyang kaalam alam sa mga prosesong gagawin bago makakuha dugo. Nakayuko na siya sa mahabang upuan sa labas ng opisina, naghihintay kung ano ang sasabihin tungkol sa kaniyang hinihingi. Pinahidan niya ang mga pawis na tagaktak na sa kaniyang mukha. Pilit pinatapatahan ang sarili sa mga...

4th Congressional District Schools Press Conference (CDSPC) ,Idinaos

Image
Humigit kumulang 1,000 estudyante ang lumahok para sa 4th Congressional District Schools Press Conference ngayong araw, Septeyeme 21, 2019, na Idinaos sa Anilao National High School na may temang "Empowering Communities Through Campus Journalism". Bago pa man mag-umpisa ang naturang patimpalak naghahanda na ng mabuti ang bawat paaralan para sa kani-kanilang layunin. "Pay tribute to all teacher s in World Teachers Day", mainit na hamon sa kaniyang mensahe na iniwan ni Dr. Ruby Therese Almencion, Education Supervisor in English, Division of Iloilo. Ito ang nagbigay hikayat sa mga estudyante na manalo para magbigay kontribusyon sa lahat ng paghihirap,sakripisyo at pagmamahal ng mga guro. "Ako ay kinakabahan at may halong pananabik dahil ito ang unang pagkakataon na sasali ako sa ganitong patimpalak", pahayag ni Gerald Dumalogdog, isang kalahok mula sa Dingle National High School. Pagkatapos ng araw na ito, may matatalo pero maghahanda para sa susun...

"Paghihirap ng mga Magsasaka"

Image

4th Congressional District Sports Association (CDSA) Meet, Umaarangkada

Image
Isang kahig para sa medalya,naglalagablab ang laban na nanagyari sa 4th CSDA Meet 2019 na ginanap sa Anilao,Iloilo kahapon Setyembre 21 na nilahokan ng mga bayan ng Dumangas, Anilao, Dingle, Banate, San Enrique, Barotac Nuevo at DueƱas. Umaatikabong bakbakan ang naganap sa 100 meter dash secondary girls pero nanaig ang lakas ni Clarefel Segura na may oras na 14.88 na Segundo, siya ay nagmula sa Anil ao, Iloilo. Ayun Kay Bb. Segura nanalo siya ng 1 pilak at 2 tansong medalya sa nakaraang 4th CDSA Meet, tumatakbo siya para sa pangarap niyang makapasok sa Palarong Pambansa, inspirasyon niya ang kanyang mga magulang upang manalo. Nagpamalas ng galing at bilis si Jemar Casumpang para mangibabaw sa 100 meter dash boys, siya ay nakapagtala ng 11.42 na segundo,nagmula rin siya sa Anilao, Iloilo. Ayun kay G. Casumpang, unang pagkakataon pa lamang niya na makapasok sa Congressional level, inspirasyon niya ang kanyang mga magulang at pagdadasal ang kaniyang sandata para mangibabaw. Ang p...

Tinta ng Manunulat

Pagsulat ang puhunan ng isang manunulat. Ballpen ang kaniyang sandata para maisulat at maipahayag ang mga impormasyong dulot ng realidad. May iba’t ibang kulay ng tinta ang ballpen. Bawat kulay nito ay representasyon ng kaniyang mga pinagdaan sa mga hakbang na kaniyang ginawa tungo sa kaniyang inaasam na pangarap. Pa lakad lakad sa kalye, lutang ang isip. Hindi alam ang isusulat sa papel na kaniyang hinahawakan. Pinagmasdam niya  ang paligid. Makikita ang masalimoot na pinagdadaanan ng mga batang kalye.Nakahiga,walang saplot at uhaw sa edukasyon para sa kanilang sarili. Nais niyang isulat ang imaheng ito gamit ang kaniyang ballpen na may asul na tinta para simbolo ng unang hakbang niya bilang manunulat. Gamit ang asul na tinta sinulat niya ang kaniyang mga nagbabagang damdamin para maipahayag ang katotohanan na nangyayari sa kaniyang paligid. Ito ang tintang gamit niya kung saan na diskobre ang kaniyang talento sa pagsulat. Maipahayag niya ang kaganapan sa mundo sa pamamagita...